This website is strictly for Mr. Anthony "the main man" Chua only. NOBODY can visit this site except for Mr. Anthony "the main man" Chua. Paul Santiago is a tiger who i hate so much! i also hate dexter sherwin ramirez and myron patrimonio and also christian alvise!!! but i love to read books and cross stitch when i have time.

Monday, May 30, 2005

Meteor Garden!!!!





MGA SENYALES NA NA-ADDICT KA NA SA METEOR GARDEN

1. Ang Ringtone ng cellphone mo ay “Qing Fei De Yi” at sangkatutak ang picture messages mo na naglalaman ng mga pagmumukha ng mga F4. Pati Logo mo ay meteor garden at kulang na lang pati casing mo ay F4.

2. Naguguluhan ka na minsan sa cellphone mo dahil Chinese ang ginamit mong language.

3. Nagpagawa ka ng speaker para sa kotse mo na parang may mga megaphone na equipment sa labas. Gusto mo rin “live” ang sounds kaya pinipilit mo ang driver mo kumanta.

4. Ibinagsak ka ng professor mo dahil ginaya mo si Dao nung di niya sinasadyang maapakan ang paa mo.

5. Napapadalas ang pagsesentimiyento mo sa rooftop

6. Napapadalas ang panonood mo ng “Maalaala mo Kaya at mga Teleserye para masubukan mo kung effective nga yung technique ni Lei

7. Ipinagpalit mo ang kotse mo sa isang scooter

8. Nagtatalo kayo ng nanay mo dahil pinapagaya mo sa kanya ang napakagandang hairstyle nung nanay ni San Chai

9. Nag-aabang kang maimbitahan sa isang party dahil binabalak mong patayin ang ilaw para mnahalikan ang crush mo

10. Nahihilig kang kumain ng mga kakaibang gulay, isda at kanin; pati kubyertos mo ay naiinip na sa estante dahil pinipilit mong
mag-chopsticks.

11. Nagpilit kang mag-aral ng Chinese dahil nagpapantasya kang ma-meet ang F4 sa personal. (Mind you - maraming Chinese dialects) Ginagawa mo rin ito para naman di ka mukhang tangang kumakanta ng awiting di mo naman maunawaan.

12. Nilagyan mo ng karatulang “You’re Dead” ang locker ng kaaway mo at kung di ka naman war freak, naghihintay kang malagyan ang locker mo nun

13. Ang World History at Geography Books mo na dati lang nabibulok sa bookshelf ay biglang nagkatupi-dun sa pages tngkol sa China o Taiwan

14. Di ka na nandidiri o nababaduyan sa Ukay ukay ngayon basta ba malapit sa binibilhan ng F4 poster sa bangketa. Inaway mo pa nga yung lolang umaagaw sa poster na nakuha mo na.

15. Isa ka sa mga nangungulit sa ABS-CBN na papuntahin ang F4 sa Pilipinas.

16. Wala ka nang pakialam kung SARS infected man ang Republic of China

17. Bigla mo na lang kinainisan sila Paolo Bediones at Miriam Quiambao

18. Diskumpiyado ka dahil kalian man ay hindi mo malalagyan ng mga meteor ang garden niyo.

19. Sandamukal na mura na ang natanggap mo mula sa Rock fans ng UNTV nang mag-request ka ng kanta ng F4 sa Rock and Punk program nila

20. Wala ka nang ibang tatak ng bra na gusto kundi Chanel

21. Mas may pang-unawa ka na sa mga may down syndrome dahil kay Lei

22. Inireklamo ka sa barangay dahil bigla mong naisipan magpaputok sa madaling araw para “mapansin ka ng mga anghel”

23. Napapakunot ang noo sa iyo ng mga magulang mo dahil nagpapabili ka sa kanila ng barko

24. Nakatutok ka na sa tv kahit “Magandang Umaga Bayan” pa lang ang palabas. Baka kasi i-feature ang F4

25. Dinrop mo ang subject na katapat ng Meteor Garden timeslot.

26. Gusto mong lagayan ng red card si Cong. Villarama dahil ipababand daw niya ang MG.

27. Halos mabaliw ka na dahil magmula pagkagising mo hanggang sa panaginip F4 pa riin ang nasa utak.

28. For the very first time naatrrack ka sa lalaking mahaba ang buhok.

29. Sinusubaybayan mo ang F4 song sa MYX kung ano ang nangyari, kung nasa no.1 pa ba sila o natanggal na (wag naman sana).

30. Iboboto mo si Imee Marcos sa next election dahil anti banning siya ng MG.

31. Nagti-twinkle-twinkle ang eyes mo everytime na nakakarinig ka ng Dao Ming Shi , Hua Xe Lei ,Ximen, at Menzou.

32. Kahit pang tuition mo binawasan mo dahil binili mo ng CD concert at MTV ng F4.

33. Ikaw ang isa sa dahilan bakit nanalo ang F4 sa MYXMATCH laban sa Westlife.

34. Bumili ka ng 10.00 forster ng F4 at inilagay sa loob ng refreigeratore para sa tuwing bubuksan mo yun, bubungad sa yo ang napakagandang nilang mukha.

AND MY FAVORITE...

35. Itinakwil mo halos lahat ng kaibigan mo at nagtira ka lang ng tatlo para apat kayo.


Source: www.pinoyauctions.com

2 Comments:

Blogger master CHU said...

Guilty ako sa paggamit ng chopsticks.

2:00 AM

 
Blogger FollenKollen said...

hmmm...ako rin...

atsa minsan pag gamit ng chinese character sa cellphone and the mega-F4 ringtones... jologs talaga po ako :)

8:54 PM

 

Post a Comment

<< Home